Ang Rehimen ni Bolatte

 

Sa Republic of Philargyria (isang kathang-isip na bansa), 20 taon nang nanunungkulan si Pavlov Bolatte bilang pangulo matapos niyang alisin ang eleksyon. Sa ilalim ng kanyang pamumuno, walang karapatan ang sinumang makialam sa pagpapatakbo ng pamahalaan. Limitado din ang kalayaan sa pamamahayag. Maging ang mga nanunungkulan sa pamahalaan ay sunud-sunuran lamang kay Bolatte. 

Sa ilalim ng ganitong sistema, pinayagan ni Bolatte ang iilang tao na kontrolin ang mga kompanyang pag-aari ng pamahalaan na parang pribado nilang negosyo. Malaya din silang nakakautang sa mga bankong pag-aari ng pamahalaan upang tustusan ang kanilang magagarbong mga luho. Malaki ang nawala sa pondo ng bayan at nagdulot ito ng labis na kahirapan.


Comments